Toni Fowler At Rob Moya Trending Sa SocMed Dahil Sa Kanilang Twitter War

Ang dating mag live-in partners na sina Toni Fowler at Rob Moya ay viral ngayon sa social media partikular na sa Twitter at Facebook.

Dahil isa sila sa mga sikat na influencers sa Pinas at may libo-libong followers ang patutsadahan ng dalawa ay mabilis na kumalat na parang apoy sa mundo ng social media.

Dinaan ng dalawa sa twitter posts ang kanilang palitan ng salita na bugso na kanilang emosyon. Kung maalaala, ang dating magkasintahan ay isinapubliko ang kanilang hiwalayan nung umpisa ng taong ito.

Samantala, kamakailan lang may naibalita na si Rob ay may bago ng ka-relasyon at si Toni naman ay umamin na meron siyang pagtingin sa isa nilang kasamahan at heto daw ang rason ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *