This Will Make You Cry: OFW Cristina Mazon Reconciles With Her 4 Children │ Raffy Tulfo In Action

All mothers love their children, equally and unconditionally. They would work day and night to make ends meet for the daily needs, as well as their children’s wants. This is what Mrs. Cristina Mazon manifested in a complaint aired in Wanted Sa Radyo, hosted by Mr. Raffy Tulfo.

Asked by Raffy Tulfo In Action (RTIA) host Sharee Roman on whether they are open to forgiving their very own mother or not, the complainants said yes. However, they also reiterated their indignation towards their mother and their mother’s recent partner, Mr. Danilo Rivera Jr.

“Sa akin kasi po, yung galit ko sa kanya hindi nya dinidinig yung mga sinasabi namin sa kanya, na sinasabi namin tungkol sa lalaki nya. Nung nakatira pa kami doon, ginagawa kaming katulong. Samantalang yung lalaki andun lang papasyal-pasyal. Tapos pag sasabihan ko yung lalaki sumasagot sa akin. Nung sinabi ko sa mama ko hindi naniniwala ma’am,” said Shabie Mazon.

“Sa tuwing uuwi po sya iba-iba po kasi yung sinasamahan. Umuuwi sya, kinukuha kami, iniiwan kami sa mga kinakasama nyang lalaki. Kami naman, bata pa kami ma’am. Hindi naman sa inaano ko yung ugali ng nanay ko pero mas gusto namin yung kasama namin sya. Eh iba naman eh, pina-priority nya yung mga lalaki. Tapos pag may sasabihin kami hindi sya maniniwala,” added Rhonalyn Mazon.

Responding to her daughters’ statements, respondent Cristina, who worked abroad for 16-long years, belied Shabie and Rhonalyn’s statements that she is an irresponsible mother towards them.

“Kung napabayaan ko hindi na sila lumaki ng ganyan. Sya nung dumating ako, alam nya yan. Hindi pa ko nakadating dito binigyan ko yan ng puhunan, tapos winala nya. Lahat ng naipundar ko… nilustay nya madam. Nag-upa kami dun… anong ginawa nya, kinuha nya lahat. Yung laptop ko kinuha rin nya,” said Cristina.

“Oo, I admit, marami din akong kasalanan. May pagkukulang ako. Pero mahal ko sila. Sana matanggap nyo na ko. Kasi lahat ng ginagawa nila natatanggap ko. May nasumbat ba ko sa kanila? Wala. Wala kong narinig. Wala kayong narinig sa akin. Ikaw, kahit na may asawa ka na nung gusto mong mag-aral pinag-aral kita. Sabi mo pang-umaga kasi walang mag-aasikaso sa mga anak mo. Pinayagan kita. Yun pala nag-uwi ka na ng lalaki doon. Di ko alam,” added a visibly upset Cristina.

“Wala akong sakit ng kalooban sa inyo kasi mga anak ko kayo. Pero intindihin nyo naman ako,” she further stressed.

In turn, Shabie said: “Pero nung sinasaktan kami ng kinakasama nyo, wala kayong magawa. Nagsusumbong kami sayo di ka nakikinig.”

“Ano ba yung gusto ninyo? Magsisihan, magsumbatan, or magpatawaran? Ako na yung humihingi ng tawad sa inyo. Kung gusto nyo lumuhod pa ko sa harapan ninyo para mapatawad ninyo ako. Alam nyo mahal ko kayo. All this years, 16 years, gusto ko kayo makasama. May mga asawa na kayo. Kung anu-ano yung ginagawa nyo,” answered a tearful Cristina.

Talking to his mom, alias “Chris,” the youngest of the four siblings, then responded: “Kahit may asawa na kami dapat maramdaman pa rin namin yong pagmamahal ng isang ina galing sayo. Mula ng bata kami wala kang inaano sa amin. Lahat ng tinutulong mo sa apo mo, okay lang yan. Hindi mo naman nagawa sa amin yan. Ako, ilang taon ako noong iniwan mo? Hindi ko pa alam yong pakiramdam na sinasabi mong sakripisyo. Yan ang sasabihin ko sayo.”

“Kahit hindi ka na pumunta ng abroad basta magkakasama tayo, ayos na yon,” added Chris.

Meanwhile, hearing both parties, Sharee expressed that the RTIA staff, including Sir Raffy, loved all Filipinos who work as an OFW and sacrificed abroad for their family’s future.

“Ngayon ramdam namin yung galit nyo sa nanay ninyo dahil kulang nga kayo sa pagmamahal at pag-alaga. Tama? Ngayon andito na tayo, kalimutan na natin yon and sana matuto kayong ma-appreciate yung binibigay ng nanay nyo. Hindi yung pinupuna nyo lang yung pagkukulang ng nanay nyo. Walang nanay na humangad ng masama para sa mga anak,” said Sharee.

“Yung time na na naghihirap yung nanay nyo sa ibang bansa naiisip nyo din ba na ginugutom nya yung sarili nya sa ibang bansa? Alam nyo siguro, kung kulang kayo sa pagmamahal mula sa nanay nyo, kulang din siguro yung nanay nyo ng pagmamahal galing sa inyo,” added Sharee.

Watch the full video below to watch the respective responses of Cristina’s children to Sharee’s statements.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *