Rabiya Mateo Flaunts Her “Halabira Walk”

At sa kompetisyon ngayong taon, tinutudo na ni Rabiya Mateyo ang paghahanda sa kaniyang pag-rampa. Ang tawag sa kaniyang catwalk ang “Halabira Walk”.

Maraming oras ang ginogol ni Rabiya para mahasa ang “halabira”. Mahalaga kasi na umangat siya agad kapag tumuntong na sa Miss Universe stage.

“Mommy always say na to have more power, so I would have a lot of leg exercises for my hips, the landing of my feet every time I walk and it’s the presence. So I can have a different walk but it’s different when there’s presence,” sabi ni Rabiya.

Bukod sa runway tudo na rin ang pag-iinsayo ni Rabiya sa question and answer, make-up at personality development. Pero ang isa pang pinag-dadaanan ni Rabiya ngayon ay acting workshop. Unang sesyon pa lang bigay todo na kaagad ang Ilongga beauty.

“It’s more of personality development and also I can use that during my commercial shoot. So, I really need to prepare myself, it’s also part of being versatile and having different roles,” sabi ng pambato ng Pilipinas sa paparating na Ms. Universe competition.

Confidence level din ang binibuild-up kay Rabiya na detirminadong makuha ang ika-limang Miss Universe crown ng Pilipinas.

“It’s very hard now that there’s a lot of opinion about who should I be, I should do this, do that. Sometime I get lost to be honest. Good thing now that we have this training to get me back on track. It’s very important. I’m also having my psycholgical session just to keep myself same,” sabi ni Rabiya.

Bago ang kompetisyon sa Mayo, plano ni Rabiya na pumunta na sa Amerika sa Abril para makapag-ensayo. Tutok din si Rabiya sa kaniyang kalusugan para manatiling virus-free hanggang coronation night.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *