Pinay OFW Sa Saudi Minaltrato Ng Kaniyang Amo Na Arabo | Raffy Tulfo In Action March 10, 2021

Humingi ng saklolo ang ating kababayan na Pinay OFW sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo na kasalukuyan nasa the Kingdom of Saudi Arabia.

Meron siyang ibinahagi na video kung saan makakikita ang pagmaltrato sa kaniya ng amo niyang arabo. Ayon sa kaniyang salaysay, nagalit ang lalaki niyang amo dahil hindi pa daw natatapos ang kaniyang pagluluto.

“Dahil po sa hindi ko po natapos yung pagluluto kaya binubog niya ako,” sabi ng nagrereklamong OFW.

Ayon din sa kaniyang salaysay, bago pa nangyari ang pagmamaltrato na na-irecord sa pamamagitan ng nakatagong smartphone, siya daw ay binogbog din ng babaeng asawa at heto ang naging daan kung bakit niya napag-isipan na maglagay ng video recorder para magamit na ebidensya.

Tinawagan ni idol Raffy ang agency ng kababayan nating OFW para magpaliwanag kung bakit may kakulangan sa pag-monitor sa mga workers na dinedeploy nila. Tinawagan din ng main-man ng programa ang Administrator ng OWWA na si Atty. Hans Leo Cacdac para sa kaagarang aksyon.

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na nga OWWA ang ating kababayang OFW. Panooring ang video na nasa ibaba para malaman ang buong detalye ng istorya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *