Maribeth Biluno Nagluluksa, Inireklamo Si Darren Ian Jeremias Ang BF Ng Pumanaw Niyang Anak Na Uminom Ng Silver Cleaner

Nag video call si nanay Maribeth Biluno sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang live-in partner ng kaniyang anak na si Darren Ian Jeremias.

Ayon sa pahayag ni nanay Maribeth, hinayaan ni Darren na uminom si Diana Mae Biluno ng silver cleaner at heto ang naging dahilan na siya’y binawi-an ng buhay.

Isang CCTV video ang ibinahagi sa programa at dito makikita ang paglabas ni Darren sa lugar kung saan sila nakatira ni Diana. Ayon sa salaysay ng ina, sa mga oras na iyon ay nasa kritikal na sitwasyon na ang kaniyang anak subalit si Darren imbis na tumawag ng saklolo sa mga kapitbahay ito’y parang namamasyal lang at tila walang emerhensiya.

“Si boyfriend naglalakad, yan po’y nakainom na ng silver cleaner ang kaniyang girlfriend. Sa halip na mataranta, magtawag ng ambulansya, tumawag ng saklolo, wala! Iniwan lang hanggang sa mabawi-an ng buhay yung kaniyang girlfriend,” sabi ni idol Raffy.

Napag-alaman din na si Diana ay kasalukuyang buntis bago siya pumanaw at si Darren ang ama ng kaniyang dinadala. Ibinesto din ni nanay Maribeth na ang nobyo ng kaniyang anak ay may ibang babae at nahuli daw heto ni Diana ng siya’y buhay pa.

Nabigyan din ng pagkakataon si Darren na maipaliwanag ang kaniyang panig at inamin na may inconsistency ang kaniyang mga naunang pahayag sa pamilya ni Diana. Nabanggit niya din na college pa lang sila ay may nasabi na ang kaniyang kasintahan na gusto nitong magpakamatay dahil sa mga personal na problema na hinaharap.

Panoorin ang video na nasa itaas ibaba para malaman ang buong detalye ng kwento nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *