Julia Barretto Ibinida Ang Kaniyang Beach-Ready Na Alindog Sa IG

Trending na naman ngayon si Julia Barretto pagkatapos na isinapbuliko ng dalaga ang kaniyang relasyon kay Gerald Anderson kamakailan lang.

Ilang araw na matapos ang tell-all interview ni Gerald kay Boy Abunda at ang pag-post ni Julia ng isang sweet-moments na larawan nilang dalawa ay umani kaagad ng atensyon ang mag-irog sa socmed.

Ngayon naman, mga larawan ni Julia na tilang summer mode na talaga dahil sa kaniyang beach-ready na mga pictures na inupload sa kaniyang Instagram account. Ang mga imahe na pinost online ay kuha ni BJ Pascual at nagsabing may padating siya na vlog at heto daw ay special birthday episode para kay Julia.

Maliban sa mga die-hard fans ni Julia meron ding mga showbiz celebrities ang sumusunod sa kaniyang social media accounts. Ilan sa mga ito ay sina Ruffa Gutierrez, Bianca Gonzales, Janine Gutierrez, Mariel Rodriguez, and Iza Calzado at nag-iwan ng happy birthday message at paghanga sa dalaga.

Si Julia ay nag turn to 24-years-old na ngayong March 10.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *